Yamang Likas, Asya, Timog Asya, Silangang Asya
Sa Timog Asya, India lamang ang biniyayaan ng humigit
kumulang na 54% ng lupa na maaring bungkalin. Kaya’t lupa ang itinuturing na na
pinakamalagang likas na yaman nito. Ang kapatagan ng ganges ay isa sa mga
pinakamatabang rehiyon sa India dahil sa alluvial soil. Ang alluvial soil ay
mataba at pinong lupa na diniposito o tinambak sa lambak at bukana ng ilog
matapos ang pagbaha o pag-apaw ng ilog. Samantalang maliit lamang ang matabang
lupa sa Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka na
tanging 30% lamang ng pangkalahatang lupa ang binubungkal.
Sa matatabang lupa nagtatanim ng barley, mais, palay,
trigo, oilseed, jute, kape, patatas, kamote, bulak, kasuy, at ibang sangkap na
pampalasa tulad ng chili, cinnamon, pepper, at cloves. Samantala, tanyag ang
Afghanistan sa pagtatanim ng opyo bagamat ipinagbabawal ng pamahalaan. Ang
alagang hayop ng Afghanistan ay tupang karakul at sa Bangladesh ay baka.
Nahuhuli mula sa Indian Ocean ang palos , tuna,
dilis, at hipon. Ang mga dagat ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng
shellfish at isda tulad ng mackerel at salmon.
Silangang Asya
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga
talampas, kapatagan, bundok, lupaing praire sa Mongolia, mga lambak tulad ng
daluyan ng Yangtze River, Mongolian steppe, at iba pang mga lupang binubungkal.
Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin. Ang
pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong daigdig
sa produksyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at
kaoliang, isang uri ng sorghum at millet. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain
ng mga alagang hayop at ginagawang alak.
Ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa Silangang Asya ay
sugar, beets, patatas, repolyo, mais, soybean, bawang, red beans, at prutas
tulad ng ubas, peras, at peach. Ang mga
hayop na katulong sa hanapbuhay ay, kalabaw, kamelyo, kabayo, buriko, at yak.
Ang dagat China ay mayaman sa pagkaing dagat tulad ng flounder, cod, tuna,
cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay hitik sa carp, sturgeon, at
hito.
Kanlurang Asya
Malawak ang deposito ng petrolyo at natural gas na
matatagpuan sa timog-kanluran at sa paligid ng Persian Gulf. Ang natural gas ng
Iran ang pangalawang pinakamalaking reserba sa buong daigdig. Tinatayang ang
Iran ay may 10% na reserba ng petrolyo sa buong daigdig. Pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo ay Saudi Arabia.
Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis,
sibuyas, melon, trigo, barley, tabako, ubas, tsaa, mais, hazel nut, at mga
prutas. Sa bundok ng Lebanon ang pinakatanyag na puno sa bansa, ang cedar. Sa
Saudi Arabia, ang pinakamalaking lupang binubungkal ay sa oasis sa silangan
kung saan ang itinatanim ay dates. Ang ibang lupain ay ginagamit na pastulan ng
tupa, baka, at kambing.
Timog Silangang Asya
Malaking bahagi ng Myanmar at Brunei ay kagubatan. Sa 84% na kagubatan ng Brunei naninirahan ang
iba’t ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile. Matatagpuan sa kagubatan ng
Myanmar ang pinakamaraming puno ng teak sa buong mundo. Iba pang mahalagang
puno ang goma, cinchona, acacia, niyog, at bunga. Sa kagubatan ng Pilipinas
makikita ang pinkamaraming uri ng palm at matigas na kahoy tulad ng apitong,
yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at iba pa.
May iba’t ibang pananim ang rehiyon tulad ng palm oil,
sesame, bulak, trigo, mani, soybean, niyog, cacao, kape, abaka, at mga prutas.
Ang Pilipinas ay nangunguna sa daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra. Matatagpuan sa Puilipinas ang tamaraw, sagana rin ang bansa sa iba’t
ibang uri ng reptilya. Malaki ang mga depositing natural gas sa Indonesia,
karamihan ay nasa silangang baybayin dagat ng Sumatra at sa Kalimantan. Ang
mahigit sa 80% ng langis mula sa Timog Silangang Asya ay nanggagaling sa
Indonesia, ditto rin nanggagaling ang mahigit sa 35% ng liquefied gas buong
daigdig. Ito rin ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman sa
Pilipinas.
Hilagang Asya
Sa mga lambak-ilog at mga mababang burol ng mga bundok
nagtatanim ang mga Taga-hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako,
sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Ang Uzbekistan ay isa sa
pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksyon ng
pagkaing butyl ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, ay barley. Ang mga
hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami.
Timog Asya
| |
Bansa
|
Yamang Mineral
|
Afghanistan
|
Langis, natural gas, tanso, bakal, lapis lazuli
|
Bangladesh
|
Natural gas, batong apog, luwad
|
Bhutan
|
Batong apog, dolomite, karbon
|
India
|
Karbon, bauxite, bakal, langis, natural gas, manganese, tanso, chromite, gypsum, batong apog, mica, rock appetite
|
Maldives
| |
Nepal
|
Bakal, tanso, mica
|
Pakistan
|
Karbon, gypsum, batong apog, chromite, bakal, rock salt, silica sand, natural gas, langis, asin
|
Sri Lanka
|
Gemstone, graphite, luwad, ilmenite, batong apog, monazite, asin, titanium, zircon
|
Silangang Asya
| |
Bansa
|
Yamang Mineral
|
China
|
Bakal, aluminum, tin, antimony, magnesium, tungsten, molybdenum, mercury, manganese, tingga, zinc, uranium, fluorite, mica, phosphate rock, quartz, asin, silica, talc, karbon, langis, natural gas
|
Japan
|
Natural gas, bakal, zinc, tingga, bauxite, karbon
|
North Korea
|
Karbon, bakal, tungsten, magnesium, graphite, ginto, pilak, tanso, tingga zinc, molybdenum
|
South Korea
|
Karbon, bakal, graphite, zinc, tungsten, tingga, tanso, ginto, pilak, molybdenum, batong apog.
|
Taiwan
|
Ginto, tanso, karbon, langis, natural gas, marmol
|
Kanlurang Asya
| |
Bansa
|
Yamang Mineral
|
Bahrain
|
Langis, natural gas
|
Cyprus
|
Tanso, pyrites, asbestos, gypsum, asin, marmol, clay earth pigment
|
Iran
|
Langis, natural gas, tanso, bauxite, karbon, bakal, tingga, zinc, chromium
|
Iraq
|
Barite, asin, gypsum, molybdenum, mica, silica, talc, uranium, langis, natural gas, bakal, ginto, tingga, tanso, pilak, platinum, zinc, phosphate, sulfur, asin, gypsum
|
Israel
|
Potash, bromine, magnesium, tanso, phosphate, luwad, natural gas
|
Jordan
|
Potash, phosphate
|
Kuwait
|
Langis, natural gas
|
Lebanon
|
Batong apog, gypsum
|
Oman
|
Langis, tanso, ginto, chromite, manganese, asbestos, karbon,batong apog
|
Qatar
|
Langis, natural gas
|
Saudi Arabia
|
Petrolyo, natural gas, iron ore, ginto, tanso
|
Syria
|
Langis, phosphate rock, asphalt, asin, karbon, bakal, tanso, tingga, ginto
|
Turkey
|
Chromium, boron, bakal, langis, natural gas, karbon, bauxite, manganese, antimony, tingga, zinc, magnesium, asbestos, mercury, pilak, sulfur,
|
United Arab Emirates
|
Langis, natural gas
|
Yemen
|
Langis, natural gas, rock salt, batong apog, marmol, alabaster
|
Timog Silangang Asya
| |
Bansa
|
Yamang Mineral
|
Brunei
|
Langis, natural gas
|
Cambodia
|
Zircon, sapphire, ruby, asin, manganese, phosphate
|
East Timor
|
Ginto, petrolyo, natural gas, manganese, marmol
|
Indonesia
|
Langis, natural gas, tin, bauxite, tanso, nickel, karbon, pilak, ginto, diyamante, ruby
|
Laos
|
Karbon, batong apog, gypsum, tin
|
Malaysia
|
Langis, natural gas, tin, bauxite, tanso, bakal, pilak, ginto
|
Myanmar
|
Langis, natural gas, tin, antimony, zinc, tanso, tungsten, tingga, karbon, tanso, nickel, pilak, marmol, batong apog, jade, ruby, sapphire
|
Pilipinas
|
Tanso, ginto, pilak, nickel, tingga, chromium, zinc, cobalt, manganese, langis, natural gas
|
Singapore
|
Luwad
|
Thailand
|
Karbon, zinc, tingga, tin, gypsum, bakal
|
Vietnam
|
Ginto, bakal, tin, zinc, phosphate, chromite, karbon
|
Hilagang Asya
| |
Bansa
|
Yamang Mineral
|
Kazakhstan
|
Karbon, bakal, manganese, bauxite, chromium, tungsten, ginto, tanso, tingga, zinc, uranium, langis, natural gas
|
Kyrgyzstan
|
Ginto, antimony, mercury, langis, natural gas, karbon, uranium, nepheline, bismuth, tingga, zinc
|
Siberia
|
Karbon, langis, natural gas
|
Tajikistan
|
Ginto, pilak, tanso, antimony, molybdenum, zinc, karbon, natural gas, langis, uranium, phosphate
|
Turkmenistan
|
Langis, natural gas, karbon, sulfur, magnesium, gypsum, iodine, bromine, asin
|
Uzbekistan
|
Ginto, karbon, natural gas, langis
|
- Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa kanlurang Asya.
- May mga pangunahing produkto/likas na yaman ang bawat rehiyon sa Asya.
- Iniluluwas ng mga Asyano ang kanilang ibang pananim sa ibang bansa.
Copper mining
Oil mining