contemporary issues, Elemento ng Istrukturang Panlipunan, what are the elements of nations structure
Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan (Mooney, 2011). Isipin halimbawa ang isang pangkaraniwang araw. Magsisimula ito sa paghahanda ng mga miyembro ng pamilya para sa kani kaniyang mga gawain. Ang pamilya Charles Cooley “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney, 2011) http://wpcontent.answcdn.com/wikipedia/en/thumb/1/1c/Charles_Cooley.png/220px Charles_Cooley.png 15 ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay magtungo sa
paaralan samantalang ang iba naman sa kanila aymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan. Tulad ng pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki pakinabang na mamamayan, isa rin itong institusyong panlipunan. Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto ay bahagi ng isa pang instituyong panlipunan – ang ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Mula sa tahanan hanggang sa mga lugar na patutunguhan maaaring may makasalubong kang traffic aide, may madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil sa abala na dulot ng ginagawang kalsada. Maaaring may makita ka ring mga anunsyo ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga tungkulin ng pamahalaan na isa ring institusyong panlipunan. Sa pagtupad mo sa iyong pang araw araw na tungkulin, naghahangad ka ng kaligtasan, nagdarasal ka na maging tagumpay ang iyong mga gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa ating pananampalataya. Ang usapin ng pananampalataya ay bahagi ng relihiyon na isa rin sa mga institusyong panlipunan. Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan.
May mga isyu at hamong panlipunang nag ugat dahil sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. Halimbawa, ng mataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. Maaari rin namang ito ay dahil sa hindi nagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin na lumikha ng trabaho para sa kaniyang mamamayan. May mga pagkakataon in na ang hidwaan sa pagitan ng mga institusyon ay nagdudulot ng mga isyu at hamong panlipunan. Hindi ba’t naging malaking usapin ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law (RA 10354)? Sa nabanggit na isyu, naging magkasalungat ang pananaw ng pamahalaan at simbahan.
Social Group
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group. umutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may agkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang rimary group at secondary group. (Mooney, 2011). ng rimary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadal san, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.Sa kabilang banda, ang econdary group ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa. agkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa ang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at may ari ng kumpanya.
Status
Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ang mga social groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at achieved status .
Paano nga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ngstatus? Maaaring makaapekto ang ascribed status ng isang indibiduwal sa kaniyang achieved status. Halimbawa, ang isang indibid wal ay ipinanganak na mahirap. Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay maituturing na ascribed status. Ang ascribed status na ito ay maaaring maging inspirasyon sa kaniyang hangarin na makatapos ng pag aaral o kaya ay maging isang propesyunal upang makaahon sa hirap ng buhay. Ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay maituturing naachieved status May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnayan sa status ng tao sa lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din nam ng mga tatus Ascribed Status Achieved Status Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap Maaaring mabago ng isang indibiduwal ang kaniyang achieved status Halimbawa: Pagiging isang Guro Si Nho-nho ay naging guro dahil sa kaniyang pagsusumikap. Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal Halimbawa: Kasarian Si Jaja ay ipinanganak na babae. Pigura 1: Ang ascribed at achieved status 19 mahihirap na naging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong magsumikap para mabago ang estado sa buhay.
Gampanin (Roles)
May posisyon ang baw t indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunan na akibat ng posisyon ng indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa, bilang isang mag aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase. Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibiduwal o i ang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa lipunan. Kung ito ay hindi magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at hamong panlipunan. Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa batas ng pagtatapon ng basura. Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga mamamayan. May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng pagbabago sa roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawa nito ang pagkakaroon ng mga househusband sa kasalukuyan. Ito ay mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawain sa loob ng tahanan habang ang kaniyang asawang babae ang naghahanapbuhay. Marami ring pagkakataon na ang asawang lalaki at asawang babae ay kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Makikita sa ganitong sitwasyon ang pagbabago ng gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan bilang tugon sa nagbabagong panahon.

COMMENTS