Suliranin, hamong pangkapaligiran, contemporary issues
Gaano nga ba
kahalaga ang likas na yaman? Natutuhan mo sa pagaaral ng Ekonomiks na isa ang
likas na yaman sa tinatawag na salik ng produksiyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng mga hilaw
na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan din ito ng iba’t ibang
hanapbuhay. Sa katunayan, humigit
kumulang sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay
ang pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos
20% ng Gross Domestic Product
(GDP) ng Pilipinas noong 2014. Kasama
din dito ang 1.4% mula sa yamang-gubat, at 2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa
sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino. Makikita sa mga nabanggit na
situwasiyon ang kahalagahan ng likas na yaman at kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sa kabila nito ay tila hindi
nabibigyang-halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at
hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa
kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad
ng pagkakaroon ng malalaakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang
pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang
umaasa sa kalikasan para mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting
epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay. Ilan sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod:
1.
Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga
basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na
nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba
pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni
Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng
basura kada araw noong taong 2015. Halos
25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130%
kaysa sa world average (National Solid Waste Management,2016). Ang malaking
bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na
mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay
iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste
Management Status Report,2015).
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may
problema ang Pilipinas sa solid waste.
Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang
1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng
lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga
insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog
ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho
ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation
bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite, problemang maaari sanang
maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga pampublikong
lugar ang waste segregation.
Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay
nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Sa ulat na pinamagatang The Garbage Book
(Asian Development Bank, 2004) ang leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez
at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig
hanggang sa Manila Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa
kalusugan ng tao. Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at
buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa
maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang
waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan
na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. Matatandaan na ipinasara ang Payatas dumpsite
matapos ang trahedya na naganap noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang natabunan
nang gumuho ang bundok ng basura dahil sa walang tigil na
ulan.
Nasundan pa ito ng sunog na
ikinamatay ng 205 katao.
Ang mga nabanggit na suliranin sa
solid waste ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’t ibang sektor. Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act
9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang
magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala
ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga naging resulta ng
batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa
ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa kautusang
ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang ng MRF sa 8,656
noong 2014 (National Solid Waste Management Status Report, 2015). Iniulat din
ng National Solid Waste Management Commission ang ilan sa best practices ng mga
Local Government Units (LGUs) sa pamamahala sa solid waste.
Mayroon ding suporta na nanggagaling
sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
Ø Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga
barangay.
Ø Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa
Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
Ø Bantay Kalikasan – paggamit ng media
upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed
at sa Pasig River Rehabilitation Project.
Ø Greenpeace – naglalayong baguhin ang
kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at
pagsusulong ng kapayapaan
Sa kabila ng mga nabanggit na batas
at programa ay nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid waste sa
Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang
pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng
mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na
suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng
solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay lalong
magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan.
2.
Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na
biniyayaan ng maraming likas na yaman.
Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa
direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at
pangingisda. Mahalaga din ang likas na
yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor
tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan,
makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa
ekonomiya ng isang bansa. Sa
kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas
dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking
populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ng aralin
ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa.
Maraming
benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang
mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili
ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang
pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa
kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng
tao. Mayroon ding mga industriya na
nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula
sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na
maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang
deforesataion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United
Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira
ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad
(FAO, 2010). Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan
ang noo’y 27 milyong ektarya ng
kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine
Climate Change Commission, 2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge
Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24%
kagubatan ng Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog
silangang Asya (Andrade, 2013). Higit na
mababa ang ulat na inilabas ng European Union Joint Research Centre kung saan
gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19% ang
kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (
2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa
Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
paglipat ng Nagsasagawa ng
kaingin (slash-and-burn pook panirahan farming) ang mga lumilipat sa kagubatan
at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng
sustansya ng lupain dito. Mabilis na pagtaas ng Ang mabilis na pagtaas ng
populasyon ng populasyon Pilipinas
ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t
ang mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan, at iba
pang imprastruktura.
Ayon sa Department of Natural Resources na -paggamit ng
puno bilang lumabas sa ulat ng National Economic panggatong. Isang Development Authority (2011),
tinatayang halimbawa ay ang paggawa mayroong 8.14 milyong kabahayan at ng
uling mula sa puno. industriya
ang gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa ng produkto,
ang mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga
puno sa kagubatan.
Ilegal na Pagmimina
Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga
Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga
mineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno upang
maging maayos ang operasyon ng pagmimina.
Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at
ng iba pang nilalang
sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay
na
mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23
proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa kabundukan
ng Sierra Madre, Palawan,
at Mindoro.
COMMENTS