Contemporary Issues, kultura, Institusyon, Social groups, status, roles

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
Ang mga elemento ng istrukturang
panlipunan ay ang institusyon, social groups, status (social status), at
gampanin (roles).
Institusyon
Ang lipunan
ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011). Isipin halimbawa ang isang
pangkaraniwang araw. Magsisimula ito sa paghahanda ng mga miyembro ng pamilya
para sa kani-kaniyang mga gawain. Ang
pamilya ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang
pagkatao ng isang nilalang. Mula sa
tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay magtungo sa paaralan
samantalang ang iba naman sa kanila aymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng
kanilang pangangailangan. Tulad ng pamilya,
ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy
na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan, isa rin
itong institusyong panlipunan.
Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto ay
bahagi ng isa pang instituyong panlipunan – ang ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil
pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Mula sa tahanan hanggang sa
mga lugar na patutunguhan maaaring may makasalubong kang traffic aide, may
madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil sa abala na dulot ng ginagawang
kalsada. Maaaring may makita ka ring mga
anunsyo ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga
tungkulin ng pamahalaan na isa ring institusyong panlipunan. Sa pagtupad mo sa iyong pang-araw-araw na
tungkulin, naghahangad ka ng kaligtasan, nagdarasal ka na maging tagumpay ang
iyong mga gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa ating
pananampalataya. Ang usapin ng
pananampalataya ay bahagi ng relihiyon na isa rin sa mga institusyong
panlipunan. Ang pamilya, relihiyon,
edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan.
Social Group
Ang mga
institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group. Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit
pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa
at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
May dalawang uri ng social group: ang primary group at secondary group.
(Mooney, 2011). Angprimary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan
ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.Sa
kabilang banda, ang secondary group ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal
na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang
nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang
panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang
ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng
mga manggagawa sa isa’t isa.
Nagkakaroon
ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot
ng ilang isyu at hamong panlipunan.
Halimbawa ang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung
panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa
at may-ari ng kumpanya.
Kung ang mga institusyong panlipunan ay
binubuo ng mga social groups, ang mga social groups naman ay binubuo ng iba’t
ibang status. Ang status ay tumutukoy sa
posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan
ng ating status. May dalawang uri ng
status: ito ay ang ascribed status at achieved status .
Gampanin (Roles)
May posisyon ang
bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na
gampanin o roles. Tumutukoy ang mga
gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat
ng posisyon ng indibiduwal. Sinasabing
ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa,
bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang
mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang
mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa
klase.
Ang hindi pagganap
sa mga inaasahang gampanin ng isang indibiduwal o isang grupo ay maaaring
magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan.
Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa
lipunan. Kung ito ay hindi magagampanan
nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at hamong panlipunan. Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa
batas ng pagtatapon ng basura. Ang hindi
pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot ng ilang mga suliraning
pangkapaligiran tulad ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga mamamayan.
May mga
pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng pagbabago sa roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawa nito ang
pagkakaroon ng mga househusband sa kasalukuyan.
Ito ay mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawain sa loob ng
tahanan habang ang kaniyang asawang babae ang naghahanapbuhay. Marami ring pagkakataon na ang asawang lalaki
at asawang babae ay kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang
pangangailangan ng pamilya. Makikita sa
ganitong sitwasyon ang pagbabago ng gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan
bilang tugon sa nagbabagong panahon.
COMMENTS