Mga batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor ay ang sumusunod: 1. REPUBLIC ACT 842...
Mga
batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal
na sektor ay ang sumusunod:
1. REPUBLIC ACT 8425
Ang batas na ito
ay kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997. Ito ay
nilagdaan noong Disyembre 11, 1997 at pormal na ipinatupad noong Hunyo 3, 1998.
Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa
mga disadvantaged sector ng lipunang
Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan,
pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng batas na ito ang
tinatawag na Social Reform Agenda (SRA)na naglalayong iahon sa kahirapan ang
mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga
probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission
(NAPC)bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may
kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na
sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.
sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.
Maliban pa rito, ayon sa Seksyon 3 ng R.A.
842,5 ang mga bumubuo sa basic at disadvantaged sectors ng lipunang
Pilipino ay ang sumusunod; magsasaka, mangingisda, manggagawa sa pormal na
sektor, migrant workers (OFW), kababaihan,
senior citizens, kabataan at mga
mag-aaral (15-30 taong gulang), mga bata (minors
- 18 taong gulang pababa), urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay
lubhang mababa), mga manggagawa sa impormal na sektor, mga katutubo, mga may
kapansanan (differently-abled persons),
non-governmental organizations (NGO’s), at
mga kooperatiba.
2. REPUBLIC ACT 9710
Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto
14, 2009 at kinilala bilang Magna Carta of Women. Ayon sa batas na ito, ang
National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)ay naging Philippine
Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng
ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa Convention on the
Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s (CEDAW). Kumikilala
ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang kaunlaran.
Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon
laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang
sibil, politikal, at pang-ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para
makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para sa
kasapatan ng pagkain at mga pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay,
pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang kultural (cultural identity) at iba pang panlipunang aspekto. Ang batas na
ito ay malaking tulong sa
impormal na sektor sapagkat ayon sa datos na inilabas ng National Statistics
Office (NSO), halos kalahati ng mga
bumubuo sa sektor na ito ay kababaihan.
3. PRESIDENTIAL DECREE 442
Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor
Code na naisabatas noong Mayo 1, 1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas
ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa
“espesyal na manggagawa”---kabilang ang mga industrial
homeworker, kasambahay, batang manggagawa, at kababaihan---na kabilang sa impormal
na sektor. Batay sa Book 2, Title II of the Labor Code,ito ay may probisyon
tungkol sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa
ang kanilang mga kasanayan.
4. REPUBLIC ACT 7796
Ito ay ang Technical Education and Skills
Development Act of 1994na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994. Layunin
ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t
ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan,
teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan
para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa. Sa
ilalim din nito ay itinalaga ang Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA)bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng
edukasyong teknikal.
5. REPUBLIC ACT
8282
Ito
ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997. Itinatadhana ng batas na
ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang
kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila
ay dumanas ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan. Upang
maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor
maging ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng Social Security
System (SSS)bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang
Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga
personal na kontribusyon ng mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at
maaaring magamit sa oras ng kanilang pangangailangan.
6. REPUBLIC ACT 7875
Ito ay naging
batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala bilang National Heath Insurance Act of
1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag
ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)na naglalayong
mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang
ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy
sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila
ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na lamang ng
operasyon at hospitalization program.
Maliban
pa sa mga nabanggit na batas, may iba pang ipinatutupad para sa mga partikular
na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng Magna Carta for Small Farmers (R.A.
7607),
Magna Carta for Small Enterprises (R.A. 6977), at Barangay Microbusiness Enterprises
Act (R.A. 9178). Samantala, ang
sumusunod ay ilan sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga
mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor:
1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Ang programang ito ay ipinatutupad ng
Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang
pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na
para sa mga self-employed at mga
walang sapat na hanapbuhay.
2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN
PROGRAM (SEA-K)
Isa
sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD)na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga
mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling
negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring
magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s).
3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD
ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing
ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang
kanilang hanapbuhay. Maliban pa rito, nagtatayo ng mga training center para sa mga mangingisda at kanilang pamilya upang
sanayin sa iba pang alternatibong mga gawaing pangkabuhayan na maaari nilang
pagkunan ng karagdagang kita.
4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
Ito ay programa
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa
ilalim nito, ang mga biktima ng
kalamidad o mga evacuee ay bibigyan
ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng
rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito
ay ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan
ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit
na sitwasyon.
COMMENTS