Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing ...
Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o sa wikang Ingles ang kasabihang “No Man is an Island”.
Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.
Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod:
Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang malaking bagay upang magkaroon ng maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay magdudulot sa ating bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong upang magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito. Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Konsepto at Aplikasyon “nina Balitao et. al. (2012) ang World Trade Organization upang maging maayos ang sistema ng pakikipagkalakalan ay ipinasusunod ang sumusunod na prinsipyo:
Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, ang samahang ito ay mayroong tinatawag na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi. Ang pinakatampok na programa nito ay ang sumusunod;
Matapos mabigo ang pagkakatatag ng Association of Southeast Asia (ASA),ito ay nagbigay daan para magsimula ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay binuo ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand na kinilala bilang mga Founding Countries sa bisa ng dokumentong tinawag na Bangkok Declaration. Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 10 bansa kasama ang Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, at Vietnam. Ang pagkakatatag ng samahang ito ay naglayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Idagdag pa rito ang pagnanais na labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang pangekonomiko. Ang punong-himpilan nito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia. Upang mas mapaghusay at tuluyang makamit ang layunin ng samahan ay napagkasunduan ng mga kasaping bansa ang pagtatag ng tatlong community na binubuo ng ASEAN Political-Security Community, ASEAN Economic CommunityatASEAN Socio-Cultural Community.
Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito. Kabilang sa dialogue partners nito ay ang Australia, China, Estados Unidos, European Union, Japan, New Zealand, Russia, at South Korea. Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992 sa Singapore. Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN. Kung kaya’t sa larangan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas sa economic bloc batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistical Authority (PSA),ang ASEAN ay pangalawa sa may naitalang $770.46 milyon para sa June 2014. Ito ay isang pagpapatunay na mas pinaiigting ng mga bansang kasapi ng ASEAN ang kanilang ugnayan pagdating sa kalakalan.
Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.
Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod:
WORLD
TRADE ORGANIZATION (WTO)
Ang pandaigdigang samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ang naging kapalit ng General Agreement of Tariffs and Trade (GATT). Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin sa Uruguay Roundsa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreementsa Marrakech, Morroco noong Abril 15, 1944. Subalit, kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong nagpapasya sa WTO ay ang Ministerial Conference, samantalangang GATT ay walang ganap na estruktura. Ang punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.
Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado.
Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Bilang isang samahang internasyonal, ang pagsapi o pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit na proseso. Ang isang bansang nagnais na maging kasapi ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya at mga patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang ito ay tumatagal ng halos ilang taon sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi
lamang ang kalagayang pang-ekonomiko ng isang bansa kundi maging aspektong pampolitika at panlipunan. Kapag ito ay naaprubahan, ang isang bansa ay lalagda sa isang kasunduan o protocol na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng isang kasaping bansa.
Ang mga pangunahing misyon ng World Trade Organization(WTO) ay ang sumusunod:

- Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);
- Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa (developing countries);
- Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;
Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang malaking bagay upang magkaroon ng maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay magdudulot sa ating bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong upang magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito. Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Konsepto at Aplikasyon “nina Balitao et. al. (2012) ang World Trade Organization upang maging maayos ang sistema ng pakikipagkalakalan ay ipinasusunod ang sumusunod na prinsipyo:
- Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng diskriminasyon.
- Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang sistemang pangkalakalan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hadlang-pangkalakalan;
- Nararapat na matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakalan, partikular kung tiyak ang mga dayuhang kompanya at pamahalaan na hindi daragdagan ang mga hadlang pang-ekonomiko at manatiling bukas ang pamilihan;
- Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo;
- Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap sa mga bansang hindi gaanong maunlad.
- Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mapa ng mga bansang kabilang, hindi-kabilang, observer status, at mga bansang nasa representasyon ng European Union sa WTO.
ASIA PACIPIC-ECONOMIC COOPERATION
Kaugnay nito, ang kauna-unahang APEC Leaders’ Meeting ay isinagawa noong 1993 sa Blake Island, Washington D.C. sa pangunguna ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton na kung saan ay nanawagan ang mga pinuno ng bansa upang bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan gaya ng taripa at quota. Ang taripa ay tumutukoy sa buwis na binayaran sa kalakal samantalang ang quota ay ang takdang dami ng mga kalakal na maaaring iluwas o ipasok sa isang bansa. Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, ang samahang ito ay mayroong tinatawag na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi. Ang pinakatampok na programa nito ay ang sumusunod;
- Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng pambansang pamilihan upang makahikayat at magkaroon ng karagdagang pamumuhunan at negosyo mula sa kasaping bansa.
- Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo - Sa pamamagitan ng itatayong imprastrukturang kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay nagpapabilis at nagiging episyente ang bawat gawaing pangkaunlaran. Ang mga nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto at serbisyo ay makikinabang dahil sa magiging epekto nito tulad ng mas mababang gastos pamproduksiyon, karagdagang trabaho, at pagkakaroon ng mas malawak na pamilihan.
- Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal - Ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay upang malinang, mapahusay, at mapalawig ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping bansa.

COMMENTS