Agriculture sector problem
Ang patuloy na paglaki ng populasyon,
paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga
takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas angpagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa
patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014.
Kaakibat ng suliraning ito ang conversion
o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging
dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at
halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga
suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang
kalagayan ng ating kapaligiran.
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan.
Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147 na pamayanan ang naikonekta sa mga pangunahing daanan mula noong 2011.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyangdiin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang magisa. Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang ang pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa.
Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura.
Isang malaking
kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga
dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng
mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa
World Trade
Organization (WTO)kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga
miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa
kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng
mga subdibisyon.
2. Climate Change.
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay
lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang
lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at
personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa
klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang
nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.
B. PANGISDAAN
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012),
ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay
nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila
upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito,
pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira.
Sinusugan ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya
sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang
mga mangingisda kaya marami ng reefs
ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang
ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing
pagkain ng mamamayan.
Binanggit din sa aklat nina Balitao et al
(2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga
polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi
ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at
mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa.
Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto
rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.
Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga
mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi
magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang
makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng
pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas
Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring
magdulot ng
kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil habang lumalaki ang
bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat
at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.
1. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
Ang mga magsasaka at
mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila
ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert
(2013), ‘hindi katakataka na sa lahat ng sektor, ang
mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay
kapansin-pansin na mas mataas nang bahagya sa
kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang mababang
kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro
ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita
ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.
C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na
yaman lalo na ng kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis
na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa
produksiyon tulad ng mga troso at mineral.
a.
Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b.
Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang
mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
c.
Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa
libo-libong ektaryang pananim taon-taon.
d.
Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na
ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e.
Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho
ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa
ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim
na itinatanim dito.
Period
|
At Current Prices
|
At Constant 1985 Prices
|
||||
Agriculture,
Fishery and
Forestry
|
Industry
|
Service
|
Agriculture,
Fishery and
Forestry
|
Industry
|
Service
|
|
2000
|
528,868
|
1,082,431
|
1,743,428
|
192,457
|
345,041
|
435,462
|
2001
|
548,739
|
1,191,707
|
1,933,241
|
199,568
|
348,165
|
453,982
|
2002
|
592,141
|
1,308,219
|
2,122,334
|
206,198
|
361,167
|
478,718
|
2003
|
631,970
|
1,378,870
|
2,305,562
|
215,273
|
363,486
|
506,313
|
2004
|
734,171
|
1,544,351
|
2,593,032
|
226,417
|
382,419
|
545,458
|
2005
|
778,370
|
1,735,148
|
2,930,521
|
230,954
|
396,882
|
583,616
|
2006
|
853,718
|
1,909,434
|
3,268,012
|
239,777
|
414,815
|
621,564
|
2007
|
943,842
|
2,098,720
|
3,606,057
|
251,495
|
442,994
|
672,137
|
2008
|
1,102,465
|
2,347,803
|
3,959,102
|
259,410
|
464,502
|
693,176
|
2009
|
1,138,334
|
2,318,882
|
4,221,702
|
259,424
|
460,205
|
712,486
|
2010
|
1,182,374
|
2,663,497
|
4,667,166
|
258,081
|
515,751
|
763,320
|