--> Ano ang mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura | Techpopop

SHARE

Ano ang mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

Agriculture sector problem


Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas angpagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.

Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan.
Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147 na pamayanan ang naikonekta sa mga pangunahing daanan mula noong 2011.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyangdiin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang magisa. Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang ang pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa.
Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura.
Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO)kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

2.    Climate Change.
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.
B.   PANGISDAAN
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan.
Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.
Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring 
magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo. 
1.    Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ‘hindi katakataka na sa lahat ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay kapansin-pansin na mas mataas nang bahagya sa  kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.
C.   PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan. 
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral.
a.    Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b.    Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
c.    Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon.
d.    Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e.    Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito. 

Period
At Current Prices
At Constant 1985 Prices
Agriculture, 
Fishery and
Forestry
Industry
Service
Agriculture,
Fishery and
Forestry
Industry
Service
2000
 528,868
1,082,431
1,743,428
  192,457
 345,041
 435,462
2001
  548,739
1,191,707
1,933,241
  199,568
 348,165
 453,982
2002
  592,141
1,308,219
2,122,334
206,198
361,167
 478,718
2003
631,970
1,378,870
2,305,562
215,273
363,486
506,313
2004
734,171
1,544,351
2,593,032
226,417
382,419
545,458
2005
778,370
1,735,148
2,930,521
230,954
396,882
583,616
2006
853,718
1,909,434
3,268,012
239,777
414,815
621,564
2007
943,842
2,098,720
3,606,057
251,495
442,994
672,137
2008
1,102,465
2,347,803
3,959,102
259,410
464,502
693,176
2009
1,138,334
2,318,882
4,221,702
259,424
460,205
712,486
2010
1,182,374
2,663,497
4,667,166
258,081
515,751
763,320

SHARE

Name

@,1,1st Quarter,60,1st Quarter Examination,69,2013,2,21st century skills,1,2nd Quarter,66,2nd Quarter Examination,2,3rd Quarter,66,3rd Quarter Examination,9,4th Quarter,61,4th Quarter Examination,3,90 percent mental,1,abdomen,1,accounting,3,acres of diamonds,1,activity,1,Adam Smith,1,adjustment,1,ads,3,advance,1,Advisory,1,agri-crop,3,Agri/fishery,3,agriculture,5,Animal Production,2,annotations,1,apologize,1,App,1,Apple. IPhone,1,application,1,aquaculture,8,Araling Panlipunan,16,Araling Panlipunan 8,5,Araling Panlipunan I0,54,Araling Panlipunan II,4,Araling Panlipunan IV,31,architec,1,architect,1,Art,3,art of selling,1,Article,12,Arts,6,Arts 8,2,Arts 9,2,Asia,7,asin,1,Assessment Matrix,1,Assyrian,1,Asya,20,athletics,1,attitude,2,attracting,1,Audio,9,AutoCAD,1,Automotive,2,Babylonian,1,badminton,1,bakal,1,bandaging,1,Bar Exam,2,Baroque,2,Basic Calculus,1,batas para sa mamimili,2,becoming,1,best content,1,best course,1,Biology,8,BIR,2,BIR Forms,1,black pepper,1,Blog,8,blogger,2,Bloom,1,blur,1,BMI Calculator,1,Book,21,book of accounts,1,Boost interaction,1,brain,1,breed,1,Brigada,1,Bullying,1,business,3,business mathematics,1,buying,3,camera,1,can't buy,1,cardiovascular,1,career guide,6,carpentry,2,cattle,2,cell,1,cell differences,1,cell membrane,1,cell respiration,1,change,1,CHED,2,chemical,1,Chemical Engineer,2,Chemistry,12,child,1,children,1,China,1,choices,1,Civil Engineering,1,Civil Service,1,classical era,1,Classical Period,1,clients,1,Climate,2,code,1,Colon,1,color control,1,comelec,1,comma,3,Command Economy,1,commercial crops,3,common noun,1,community problem,1,components,1,composers,1,computer,2,computer software,1,connection,1,consumer protection,1,contemporary issues,15,Continue,1,control,2,control drug,1,Cookery,2,Copy,1,copyright,1,costumer,1,course,3,Court,1,cover photo,1,cpa,3,crawl,1,creating video,2,credit,2,Criminologist,1,crop,1,Crop Production,1,crops,1,Cultural,2,culture,1,cures for lean purse,3,Curriculum Guide,58,Curriculum Map,2,customer,4,customer service,1,cut flower,4,Daily Lesson Log,266,death march,1,debit,2,decimal,2,degree,1,demand,1,dentistry,2,DepEd,2,DepEd activities,1,DepEd logo,1,Deped order,1,DepEd seal,1,Deped Tambayan PH,1,description,1,desktop,1,development,2,Disaster Readiness,2,Discipline,2,displacement,1,disposal,1,dissertation,1,distance,1,DLL,266,docking,1,Domestic Violence,1,Download,2,dressmaking,2,drone,1,drop out,1,Drug abuse,1,Drugs,1,Drying,1,duck,1,duck raising,1,ducks,1,e-class record,16,Earl Nightingale,19,Earth,1,Earth and Life Science,1,Earth and Science,1,easier,1,Ebolusyon,1,Economics,83,educate,1,education,1,Edukasyon sa Pagpapakatao,16,effective parent,2,effectivesness,1,Eggplant,1,electrical,4,Electronics,2,electronics engineer,1,elementary,1,elements,1,Elements of Style,2,employees,1,engineer,1,English,28,English 10,5,entrepreneur,5,entrepreneurship,1,environment,1,environmental problem,1,EPP,4,equation,1,Erectus,1,ESP,5,EsP 10,4,Estate Broker,1,ethics,1,events,1,exam,43,examination,73,excel unlock,1,exercise,1,extortion,1,Facebook,4,facebook comment,2,Facebook verified,1,fail,1,failure,2,farm equipments,1,farm implements,1,farming,1,Father,1,Fattening purse,1,feasibility study,1,feed,1,fertile crescent,1,fiber,1,fiber crops,4,field,1,File,1,file formats,1,File menu,1,Filipino,15,Filipino 9,2,Finding Luck,1,Firm environment,1,First Quarter,1,fitness,1,flexibility,1,folk dance,1,follow,1,follower,1,Food (fish) Processing,2,Forest,1,Forest conservation,1,forest coservation,1,forestry,1,form,3,Form 137 Template,1,Format,1,forms,1,Fourth Quarter,3,fraction,2,franchising,2,fruits,1,FRY,1,function,1,function of Meta Tags,1,Fundamentals of ABM 1,1,Future Control,1,gaining weight,1,games,1,Gang,1,garlic,1,gas,1,Gender,1,General Mathematics,1,generator,1,gentleman,1,George S. Clason,7,get out,1,ginger,1,give away,3,giving money,1,Glycolysis,1,goals,1,Goat,2,Gold Medal,1,good manners,1,Google,3,google search,4,Governance,1,Grade 1,51,Grade 10,6,Grade 2,52,Grade 3,51,Grade 4,52,Grade 5,51,Grade 6,64,Grade 7,8,Grade 8,6,Grade 9,5,Grammar,1,GSIS Forms,1,guidelines,1,habits,2,Handicraft,2,handling,1,Happy companies,1,hardware,1,Harvesting,2,hatching,1,health,22,Health 8,1,Health 9,5,Heart-related fitness,1,Hebrew,1,Hekasi,1,heograpiya,1,high jump,1,high paying,1,hiking,1,Hilagang Asya,1,Hiring,1,history,2,Hittites,1,holidays,1,Home Economics,7,Homo sapiens,1,Horticulture,6,hot pepper,1,how to,3,how to earn money,1,Human Person,1,Human Sexuality,1,ICT,34,ICT II,26,ideas,4,IFS,5,image,1,image window,1,Imges,1,immune,1,imperyo,1,implementation,1,improve,1,in-video caption,1,increase,1,index,1,India,1,indigenous,1,Indoor and Outdoor activities,1,Industrial Arts,23,inflammation,1,influence,1,information,1,innovation,1,inquiry,2,insects,1,inspiration,22,Instructional Materials,1,instrumental music,1,Insurance,1,integrated,1,integrated farming system,1,intentional injuries,4,interesting life,1,internet,2,internet protocol IP,1,intracellular components,1,introvert,1,investing,1,IP adress,1,IPCRF,2,Japan,1,java,1,jobs,10,journal,1,jump,1,K to 12,254,Kanlurang Asya,2,keywords,3,kidnapping,1,kids,1,kindergarten,6,kinematics,1,Kompetisyon,1,kontinente,1,Korea,1,kultura,2,labor code,6,labor law,5,land preparation,2,langis,1,laptop,1,latitude,1,law,2,LDM2 Portfolio,1,Lead the Field,13,leadership1,2,Learners Materials,3,learning,5,learning materials,102,learning Modules,5,lecture,2,legumes,1,LET,1,life,3,life science,1,link,1,literacy,1,Literary,1,literature,1,location,1,logo,1,lokasyon,1,longitude,1,losing weight,1,love,1,low paying,1,loyalty,1,magic from the brain,1,Magnus Effect,1,magsasaka,1,manage emotion,1,manage thoughts,1,management function,1,Mapeh,34,Mapeh 8,2,Mapeh 9,16,Market Economy,1,marketer,1,marketing,2,Masonry,1,master key,1,Matatag Curriculum,1,material,1,material handling,1,Math,14,matter,1,measure,1,Mechanical Engineering,3,media,1,Medical Technologist,3,Medieval,2,MELCs,1,memo,3,mention,1,mentor,1,menu,2,menu bar,1,mercury,1,mesolitiko,1,Mesopotamia,2,Meta Tags,1,metal,1,Mid-Year Bonus,1,Midwife,1,millionaire,1,Mixed Economy,1,MJ DeMARCO,13,module,38,Module 1,4,money,3,monitor,1,monopoly,3,Monopsony,1,monsoon,1,Most Essential Learning Competencies Kinder to Grade 12,1,Mother Tongue,1,motion,1,motivation,25,MRF template,1,MTB,2,muscular,1,music,13,Music 8,4,Music 9,4,Musical Ensembles,1,my opinion,2,NAT Reviewer,14,neolitiko,1,networking,1,news,1,non-working days,1,noun gender,1,noun plural,1,nouns,2,nursing board,6,oil crop,3,oligopoly,1,onion,1,online,4,optimize image,1,Oral Communication,1,order,6,organization,1,orienteering,1,overcome,1,Ownership,1,P E,1,P.E,2,P.E.,2,Pag-ibig Forms,1,page,1,paintings,1,Paleolitiko,1,palettes,1,pananagutan ng mamimili,1,pananaw,1,paniniwala,1,Parent,3,parenthetic expressions,1,Parenting,5,parents,1,parts of speech,1,pay,1,pdf,1,PE 8,1,PE 9,5,peanut,1,peking,1,people,1,percent,1,percentage,1,periodic exam,1,Periodical Test,4,personal,1,personal development,23,pest,3,Peter Thiel,9,pharmacists,1,phases,1,PhilHealth,1,Philhealth Forms,1,Philippine,2,Philosophy,1,Phoenician,1,photoshop,25,Phrasal Verbs,5,physical,2,Physical Education,6,physical fitness,1,Physician,1,Physics,4,Pilipinas,1,pin,1,Pisikal,1,planting,1,planting calendar,2,plumber,3,plyometric,1,plyometric-exercise,1,Political,1,politics,1,poor,2,positive,1,possesive singular,1,Possession,1,possessive noun,1,poultry,1,power of Law,1,power point,1,PRC,6,PRC Forms,1,Precalculus,1,press releases,1,prevent accident and injuries,1,prevent drug,1,Principal's Test Reviewer,1,Principals' Test Results,1,principles,1,Printing,1,probability,1,problem statement,1,Profession,1,professional growth,2,program,1,promote products,1,promotion,2,proper noun,1,proportion,1,Psychology,1,push buttons,1,quail,1,quails,2,qualitative,2,quantitative,1,quarterly exam,18,quartz,1,question,1,questioning,1,Questionnaire,3,questions,1,quick fix,1,race,1,raga,1,Raising,1,rasa,1,ratio,1,read,1,reading,1,record,2,Rectal,1,recycle,1,recycled,1,reference,1,regions,1,relihiyon,1,Renaissance,2,research,7,research paper,1,Resources of Income,1,response,1,retire,1,Reviewer,1,reviewing literature,1,revolution,1,Rice Production,3,rich,6,risk,1,Risk Reduction,1,Rizal,1,rock,1,roles,1,roots,1,RPMS Manual,1,rule in creating video,1,rules,1,run,1,S.Y.:2022-2023,1,sacrifice,1,salary,1,Salary adjustment,1,scalar,1,scams,1,scanner,1,schedule,2,scholar,1,school calendar,1,School Forms,1,school head,1,Science,16,scientific notation,1,Second Quarter Mapeh,2,secondary,1,secrets,2,seedlings,1,self reliance,1,self-discipline,1,self-inflicted injuries,2,selling,3,selling other's product,1,selling video,1,Senior High Sch,26,Senior High School,10,SEO,1,separation,1,separation pay,1,sexual abuse,1,Silangang Asya,1,SIM,1,single conjunction,1,skills,4,smarter,3,social media,5,Social Studies,1,society,1,soil sampling,1,soybean,1,Speech,1,speed,1,spice,2,Spice crops,5,spoiled,1,SSG,1,stalking,1,states of matter,1,Statistics,2,stories,2,structure,1,students,2,study,1,sub menu,1,subscribers,1,success,2,successful,3,sukat,1,Sumerian,1,sunflower,1,suplay,1,supply,1,system,1,tags,1,tala,1,tanso,1,TAX,2,Teachers,6,Teachers Guide,1,Teachers Personal Forms,1,teaching,2,teaching degree,1,Teaching Guide,49,Technical Drafting,2,Technical Evaluation,1,techniques,2,technological monopoly,1,techpopop,1,term paper,4,TESDA,1,test,1,The Millionaire Fastlane,13,The Richest Man in Babylon,7,Theatre,1,theme,1,Therapist,1,thesis,4,things,1,think,1,threshing,1,throws,1,Timog Asya,1,Timog Silangang Asya,1,TLE,92,TLE 10,10,TLE IV,37,tool,2,toolbox,1,toolkit,1,topic,1,TOS,3,tourist spot,4,track and field,2,Tradisyonal na Ekonomiya,1,traffic,1,TRAIN,1,transaction,1,trust,1,tungsten,1,tutorial,1,Unang Kabihasnan,1,Unang Tao,1,unexpected,1,units,1,UPCAT,2,upgrading,2,UST,1,Value,1,vector,1,vegetable,1,verbal abuse,1,vermicomposting,1,vermiculture,1,vermiworms,1,video,4,Video Lesson,7,video title,1,videos,3,viewers,3,Violence,1,Vocal,1,Vocal Music,2,VPN,1,Walang Pasok,1,walk,1,waste,1,waste management,1,we become what we think about,1,website,1,welcome,1,welding,1,wika,2,William Strunk Jr.,2,work,1,work plan,1,workspace,1,world,1,worms,1,worry,1,wrestling,1,writing,3,yamang likas,4,yamang mineral,1,Yamang Tao,1,your story,1,youth,1,YouTube,12,zambia,1,Zero to one,9,zinc,1,Zumba,1,
ltr
item
Techpopop: Ano ang mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
Ano ang mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
Agriculture sector problem
https://i.ytimg.com/vi/Mk3EbXNINH0/hqdefault.jpg
https://i.ytimg.com/vi/Mk3EbXNINH0/default.jpg
Techpopop
https://www.techpopop.net/2016/01/suliranin-sa-sektor-ng-agrikultura.html
https://www.techpopop.net/
https://www.techpopop.net/
https://www.techpopop.net/2016/01/suliranin-sa-sektor-ng-agrikultura.html
true
5311362690652416365
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content