Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay ...
Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw
ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental
Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super
kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke
ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea
at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.
May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang
daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at
Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at
Polynesia.
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert,na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente. Samantala, ang Antarctica ang tanging
kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil
dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang
nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong (1 kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1 ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig. /3) bahagi ng
/4) na bahagi lamang ng kalupaan
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa
daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at
Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at
iba pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan
sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi ng South
America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na parang
mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin
ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang
nasabing kontinente. Ang paliwang na ito ay batay sa Continental Drift Theory.
Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America
ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan
ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng
Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa
Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng
bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic
plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa
mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire
na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng
(92,000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee
noong 1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na
napinsala ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay)
at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay);
Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang
namatay).