Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng se...
Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon
ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang
kumita. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Supply
Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang
presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas
din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa
ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili (ceteris paribus).
Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon
na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang
pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto
o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha. Dahil
dito, higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang
presyo.
Supply Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply sa pamamagitan ng supply
schedule. Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at
gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang supply
schedule.
Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied
para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat
piraso ng kendi, sampu (10) lamang ang dami ng handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser. Sa presyong (Php2.00) bawat piraso, dalawampung (20) piraso naman
ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo at maging
limang piso (Php5.00) bawat piraso ang kendi, kapansin-pansing magiging 50 ang
magiging supply para dito. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan ng presyo
at quantity supplied ng kendi para sa prodyuser.
Maliban sa supply schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity
supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph, ito ay tinatawag na supply
curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Supply Curve
Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung
ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied
ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sa punto B ang presyo ay piso
(Php1), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser;
sa punto C na ang presyo ay dalawang piso (Php2), dalawampu (20) ang dami ng
kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tutuntunin ang mga puntong ito
hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas o upward sloping curve.
Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa
dami ng gusto at handang ipagbili ng mga mamimili. Ang paggalaw sa kurba mula
punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas ng supply ng sampung (10)
piraso ng kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba ng piso makikita sa graph na
bumababa ang quantity supplied sa sampung (10) piraso.
Supply Function
Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied
ay sa pamamagitan ng supply function. Ang supply function ay ang matematikong
pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa
equation sa ibaba:
Qs = f (P)
Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo
(P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago
ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng
mga prodyuser. Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa equation na:
Qs = c + bP
Kung saan:
Qs= dami ng supply
P = presyo
c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
d = slope = ∆Qs
Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative. Nagpapakita
ang slope ng pagbabago sa dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
Upang mapatunayan na ang datos sa supply schedule sa itaas at ang supply
function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba:
Supply Function mula sa Supply Schedule para sa kendi: Qs = 0 + 10P.
Kapag ang P = 1 Qs= ? Kapag ang P = 10 Qs=?
Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P
Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5)
Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50
Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso
Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung
may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at I-multiply
ito sa slope +10, ang makukuhang sagot ay idadagdag sa 0 (intercept). Mula dito
ay makukuha ang sagot na 10 na quantity supplied. Sa ikalawang halimbawa, ang
presyo na 5 ay i-multiply sa 10. Ang naging quantity supplied ay 50.
∆P