Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer...
Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer.
Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa
marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto
at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo. Sa kabilang dako, ang mga prodyuser
ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo
ng mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin
at kung gaano ito karami. Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan
ang konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong
gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng
mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng
produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer.
Kaugnay nito, ayon sa 6th Principle of Economics ni Gregory Mankiw, “Markets
are usually a good way to organize economic activity”. Ito ay ipinaliwanag ni
Adam Smith sa kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of
the Wealth of Nations (1776) na ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay
naisasaayos ng pamilihan. Mayroong tinawag na “invisible hand” si Adam Smith
na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor na ito ng pamilihan. Ito
ay ang “presyo”, na siyang instrumento upang maging ganap ang palitan sa
pagitan ng konsyumer at prodyuser. Mahalagang bahagi ng pamilihan ang umiiral
na presyo sapagkat ito ang nagtatakda sa dami ng handa at kayang bilhin na produkto
at serbisyo ng mga konsyumer. Presyo rin ang siyang batayan ng prodyuser ng
kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga
produkto at serbisyo. Kung kaya’t ang pamilihan ang siyang mabisang nagpapakita
ng ugnayan ng demand at supply. Sa pagkakaroon ng mataas na demand ng mga
konsyumer, nagiging dahilan ito sa pagtaas ng presyo. Ito ay nagbubunga ng lalong
pagtaas sa pagnanais ng prodyuser na magdagdag ng mas maraming supply.
Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa, o pandaigdigan
ang lawak. Ang kilalang sari-sari store na matatagpuan saanmang dako ng ating
bansa ay isang magandang halimbawa ng lokal na pamilihan. Samantalang ang
mga produktong abaka ng Bicol, dried fish ng Cebu, Durian ng Davao, at iba pang
natatanging produkto ng mga lalawigan ay bahagi ng pamilihang panrehiyon. Ang
bigas naman ay bahagi ng pambansa at pandaigdigang pamilihan gaya ng mga prutas
o produktong petrolyo at langis. Ang mga nauusong on-line shops sa pamamagitan
ng internet ay mga halimbawa ng pamilihang maaring maging lokal, panrehiyon,
pambansa, at pandaigdigan ang saklaw.