Mga Pamantayan sa Pamimili
Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng
mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto
at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil
mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi
mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang
nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong dahilan sa
pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang value for
money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na kaalaman
upang maging matalino sa pamimili.

Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit
natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod
ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili:
1. Mapanuri
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo,
timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang
mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang
produktong sulit sa ibabayad.
2. May Alternatibo o Pamalit
May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong
humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang
tinutugunan ng produktong dating binibili.
3. Hindi Nagpapadaya
May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero
o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging
handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at
paggamit ng timbangan.
4. Makatwiran
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong
badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at
kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng
produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran
ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho
lamang.
5. Sumusunod sa Badyet
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer.
Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya
nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak
na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.
6. Hindi Nagpapanic-buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto
(hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala
ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo
lamang magpapalala ng sitwasyon.
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago
sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang
tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.