Nalinang sa panahon ng mga sinaunang kabihasnan ang mga pananaw at ideolohiya na bunga ng iba't-ibang paniniwala at relihiyon ng mga ta...
Nalinang sa panahon ng mga sinaunang kabihasnan ang mga pananaw at ideolohiya na bunga ng iba't-ibang paniniwala at relihiyon ng mga tao sa nasabing panahon. Ang mga pananaw at ideolohiyang ito ay lubos na nakaapekto sa daloy ng kasaysayan ng daigdig.

Pananaw/Paniniwala
|
Epekto ng Paniniwala
|
Judaism
·
Nakabatay ang paniniwala ng mga Hebreo sa
nag-iisang Diyos na lumikha ng langit at lupa na tinatawag nila sa iba’t
ibang pangalan tulad ng Yahweh, Elohim, El Shaddai at iba pa.
·
Dahil sa paghihirap na dinanas ng mga Hebreo
sa kamay ng mga mananakop, nagpadala ng propesiya ang Diyos na ililigtas sila
at hanguin sa kanilang paghihirap sa pamamagitan ni Moses.
|
·
Ang paniniwalang ito ng mga Hebreo ay lubos na
nakaapekto sa kasaysayan. Ito ang
kauna-unahang ng monotheism o paniniwala sa iisang Diyos. Naging
batayan din ito ng paniniwalang Kristiyano na itinataguyod ngayon ng
nakararaming tao sa daigdig.
|
Zoroastrianism
·
Ipinakilala ni Zoroaster, ang propetang nabuhay
noong 600BCE ang Zoroastrianismo. Bahagi ng kanyang katuruan si Ahura Mazda
na sumisimbulo sa kabutihan; at si Ahriman na sumisimbulo sa sa kasamaan.
Ahura Mazda ang pinagmulan ng katotohanan, liwanag at pagkabusilak at si
Ahriman naman ang pinagmulan ng kasakiman, kadiliman at kasamaan.
·
Maaaring mamili ang tao ng kanyang
paniniwalaan at pamumuhay. Kung pipiliin nya ang kabutihan gagantimpalaan
siya ng walang hanggang buhay. Kung kasamaan naman ang pipiliin niya,
mararanasan niya ang kamatayan pagkatapos ay kahirapan at kadiliman.
|
·
Lubos na nakaimpluwensya sa iba pang relihiyon
sa daigdig ang katuruang ito. Dito ngasimula ang konsepto ng pamimili sa
pagitan ng masama at mabuti. Palaging gantimpala ang nakalaan sa mabuti at
kaparusahan naman sa masama.
|
Hinduism
·
Nakabatay ang inspirasyon at doktrina ng
Hinduismo sa Vedas. Nagpasalinsalin sa bibig ng maraming henerasyon ang mga
katuruan nito hanggang sa isinulat ito sa pagitan ng 1500 hanggang 500BCE.
May apat na Vedas, ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda at ang Atharva Veda.
·
Layunin ng Veda na tugunin ang lahat ng
pangangailangan ng tao sa bawat lebel at naniniwala ito sa pagkakaiba-iba ng
bawat tao sa kanilang ispiritwal at intelektwal na kakayahan.
·
Naniniwala ang mga Hindu sa maraming diyos.
Lahat ng kanilang diyos ay manifestasyon lamang ng iisang diyos, si Brahman
na tagapaglikha, kaya iisa lamang ang diyos. Ang presensya ng 33,000 diyos ay
tinaguriang”hindi mabilang na diyos.”
·
Iba ang paniniwala ng Hinduism
1. Paglaya
sa Finite. Ang tao ay nakabilanggo sa isang katawan, isipan at pang-unawa na
may hangganan o finite. Mangmang at makasarili.
2. Transmigrasyon.
Paniniwala sa paglalakbay ng isang tao mula sa isang katawan at muling
isisilang ng paulit-ulit sa ibang katauhan.
3. Karma.
Ito ay “aksyon” na resulta ng ginawa o nagging kondisyon ng ispiritu sa
nakaraang katauhan.
4. Sistemang
Caste. Uri ng pagpapangkat sa lipunan.
a) Brahmin-
pinakamataas sa pangkat, mga pari.
b) Kshatriya-ikalawang
pangkat, mga namamahala sa gobierno at pakikipagdigma.
c) Vaisya-ikatlong
pangkat, mangangalakal at magsasaka.
d) Sudra-
pinakamababang pangkat, ang mag nagbibigay ng paglilingkod.
|
·
Maraming mabuting epekto and Hinduismo sa
kasaysayan. Isa na rito ay ang pagtanggi sa karahasan ni Mahatma Gandhi, ang
“dakilang tagapagpalaya” ng mga Hindu. Itinaguyod niya ang pagtanggi sa
karahasan nang ipaglaban niya ang kalayaan ng mga Hindu mula sa pananakop ng
mga Ingles sa pamamagitan ng pagaayuno. Ginawa niya ito hindi lamang para sa
indibidwal kundi para sa pandaigdigang pamumuhay.
·
Nagiging dahilan din ng hindi gaanong pagunlad
ng mga Hindu and kanilang detachment sa material na mundo sa paniniwalang
panandalian lamang ang kanilang pamumuhay sa katauhang kanilang
kinabibilangan.
|
Buddhism
·
Kasaysayan. Itinatag ni Gautama Buddha ang
Budismo noong 600BCE. Sa gulang na 29, iniwan niya ang kanyang pamilya,
kayamanan at kapangyarihan upang tugunan ang katanungan tungkol sa kahirapan,
sakit, at problema.
·
Katuruan. Ang tao ay walang permanenteng
sarili o kaluluwa. Isa siyang nilalang na binubuo ng limang Skandhas; pisikal
na katawan, pakiramdam, persepsyon, sariling kusa o predisposisyon, at
kamalayan. Kapag ang limang bagay ay watak-watak, namamatay ang isang tao.
|
·
Pagkalat ng Buddhism. Si Asoka, ang magaling
na emperador ng India, ang mabilis na nagpakalat ng Budismo. Nagpadala siya
ng misyonero sa maraming parte ng daigdig.
·
Epekto ng Budismo. Pamumuhay ng walang
pagnanasa sa mga bagay na pansarili lamang kung kaya maaari siyang mamuhay ng
salat sa material na bagay at hindi nagnanasa ng pagunlad. Resulta not, naging
mabagal ang pag-unlad ng Asia.
|
Confucianism
·
Itinuturo nito na ang tao ay sadyang itinulak
ng tadhana upang makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang mga abnormal
lamang at ang hindi “natural” na tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan.
Ang pakikisalamuha sa kapwa tao ang pinakamahalaga upang mabuhay sapagkat sa
lipunan lamang malalaman ng tao ang kanyang kakayahan.
·
Ang Confucianism ay ang pamamalakad ng tao sa
halip na batas. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at maayos na relasyon ay
higit na mahalaga kaysa konsepto ng labis na pagpapairal ng karapatang
pantao.
·
Pinapahalagahan ng Confucianism ang pamilya
bilang tagahubog ng moralidad.
·
Naniniwala din ang Confuciansim sa isang
matagumpay na rebolusyon. Tinatawag itong, “mandate of Heaven.”
|
·
Ang ideolohiyang Tsino na epekto ng legalism,
Taoism at Confucianism ay lubos na nakaapekto sa daloy ng kasaysayan. Ang
ideolohiyang ito ang dahilan kung bakit medaling pamunuan ang mga Tsino.
·
Confucius, ang nagpakilala ng Confucianism.
|
Taoism
·
Ang pangalang Taoism ay nagmula sa Tao,
salitang Tsino na ang ibig sabihin, “ang Daan”. Naniniwala ang Taoist na
pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay dapat umayon sa
kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta
ng hindi pagsunod sa paraan ng kalikasan.
·
Ang tao ay maihahalintulad sa “isang bagay na
walang hugis at porma.” Ang mga karagatan at ilog ay makapangyarihan dahil
mababa ang kanilang kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang tao dahil
mapagpakumbaba ito.
|
Lao Tzu, ang nagpakilala ng Taoism.
|
Legalism
·
Ibig sabihin nito ay “paaralan ng batas” o
pilosopiya na nagbibigay-diin sa mga batas at tuntunin na pinaiiral ng mga
may kapangyarihan bilang pamantayan ng kilos ng tao. Nagmula ito sa mga pangunahing
akda ng mga Legalista tulad ng The Book of Lord Shang, Han Fei-Tzu at ang
Kuan Tzu. Ito ang kaun-unahang pilosopiya na nagging opisyal na ideolohiya ng
bansa.
·
Naniniwala ang Legalismo sa tungkulin ng
pinuno na tumayong nag-iisa at may lubos na kapangyarihan sa kanyang
nasasakupan. Siya ang batas at siya rin ang autoridad.
·
Higit na nakatataas ang tingin ng mag Legalista
sa batas kaysa mabuting asal, moralidad, o ritwal.
|
Sh’ih Huangti, isa sa mga nagpalaganap ng Legalism
|
Christianity
·
Ang Kristiyanismo ay relihiyong naniniwala sa
isang diyos na itinatag ng mga tagasunod ni Hesukristo na isnag Jew. Ayon kay
Hesus, kailangan ang pagsisisi ng mga makasalanan, pagmamahal sa Diyos at
kapitbahay at pagpapahalaga sa katarungan upang makapasok sa kaharian ng
Diyos.
|
Lumaganap saImperyong Romano ang Kristiaynismo.
Pinagmalupitan ng estadong Romano ang mga Kristiyano. Ginawa itong relihiyon
ng estado sa panahon ni Theodosius the Great At pinigil ang iba pang
relihiyon. Dahil sa pagkakaiba ng doktrina ng mga Kristiyano sa Silangan at
Kanluran, nahati ang simbahan. Ang Constatinople ang sentro ng relihiyon ng
Eastern Orthodox Church at ang Simbahang Katoliko Romano sa mga Kristiyano sa
Kanluran.
|

COMMENTS