Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisi...
Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa salitang pagsulong.
Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pagunlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad. Halimbawa, ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isang proseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani, at ito ang pagsulong.
Ayon pa rin kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doon nagtatapos ang pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabuting produkto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala.
Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic Development (2012) ang dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw ukol dito. Sa tradisyonal na pananaw, binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.Sa makabagong pananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang
pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya.
Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.