kabihasnan, mesopotamia, chaldean, persiano, Phoenician, Hebreo, Amazon, Google, Facebook,
Ang Fertile Crescent at ang kambal na ilog.
Napapaligiran and Fertile Crescent ng mga bundok at disyerto. Subalit kakaiba ang mga disyertong nabanggit dahil tinutubuan ito ng mga damo at halaman kaya may mga pangkat ng unang tao na nanirahan dito. Ang kambal na ilog ay ang Tigris at Euphrates na dumadaloy hanggang sa gulpo ng Persia.
Mesopotamia: Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog
Nagmula sa greyago ang salitang mesopotamia na ang ibig sabihin ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Mataba ang lupa sa Mesopotamia. Naghatid ng maraming biyaya at kayamanan sa kanila ang mga tabing ilog, matapos matutuhang patuyuin at pagyamanin ng mga tao rito. Noong 5000 BCE. sari-saring pagkain ang naani ng mga tao rito tulad ng trigo, barley, mga bungangkahoy, peach, dates, nuts at maraming uri ng gulay. Masagana rin ang mesopotamia sa mga luntiang damuhan kung kaya nag-aalaga ang tao rito ng mga baka, tupa, kambing at baboy.
Kulang ang Mesopotamia sa bato at mga puno para gawing troso upang magamit sa pagpapatayo ng mga bahay at gusali. Bilang pamalit sa troso at bato, ginamit nila ang putik upang gawing bricks para sa mga tahanan at gusali. Pinunuan naman ng mga balat ng tupa at iba pang hayop ang kawalan ng hibla upang gawing tela para sa paggawa ng damit.
Mga unang kabihasnan sa Mesopotamia
Mga Sumerian
Ang Sumerian ang pinakaunang nandayuhang pangkat sa Mesopotamia. Nagsimula sila mga burol sa silangan. Nakihalobilo sila sa mga orihinal na pangkat ng unang taong nakatira roon hanggang sa nakalinang sila ng kultura na tinawag na Sumerian.
Mga naging patakaran

- Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunan- maharlika na binubuo ng mga pari at opisyal ng pamahalaan; ang mangangalakal at artisano; at magsasaka at alipin.
- Pinahahalagahan ang Edukasyon. Mga asignatura sa paaralan ang pagbasa, kasaysayan, matemateka, paggawa ng mapa, linggwistika. Pinag-aaralan din ang batas, medisina, pag-oopera, panghuhula at astrolihiya.
- Sumasamba sa maraming diyos.
Hanapbuhay
- Pagsasaka
- Industriya at kalakalan
- Paggawa ng kanal at dike
Pag-unlad
- Malaki ang naitulong ng maraming imbensyon sa pagtatag ng pag-unlad
- Ang mga lungsod estado ay nakatulong sa pagtatag ng puluitika at ekonomiya.
- Nakatulong din ang edukasyon sa kanilang paglago.
Ambag sa Kabihasnan ng daigdig
- Nakaimbento ng gulong ng karuwahe na hila ng asno.
- Paggatas ng baka at paghabi ng mamahaling lana at lino.
- Nakaimbento ng unang panukat ng timbang o haba.
- Unang lungsod estado.
- Nakaimbento ng unang paraan ng pagpapalitan.
Mga naging patakaran
- Sinunod ang kodigo ni Hammurabi bilang patnubay sa kilos at gawa ng mga mamamayan.
- Mga karapatan ng mga kababaihan; maging pari, magtinda ng alak, mamahala ng negosyo, magkaroon ng dote mula sa kanyang ama at suporta habang nabubuhay ang kanyang asawa.
Pag-unlad
- Maayos na pagpapalakad ng pamahalaan.
Pagbaksak
- Paglusob ng mga pangkat ng Indio-Europio na tinawag na Kassite.
Ambag sa Kabihasnan ng Daigdig
- Nagsimula sa kanila ang mga kontratang pangkalakalan, paggamit ng selyo bilang pagpapatibay sa kontrata, pagpapalamuti sa katawan ng mga mamahaling bato at metal na kilala ngaun sa tawag na alahas.
- Pinaunlad nila ang pakikipagkalakalan at negosyo.
- Ang kodigo ni Hammurabi ang naging batayan ng kabihasnan upang magkaroon ng kalipunan ng mga batas.
Mga pastol ang mga Hettites sa madamong bahagi ng hilaga na malapit sa Black Sea at Caspian.
Ambag sa Kabihasnan ng Daigdig
- Pagtuklas ng bakal. Ginamit nila ang bakal sa paggawa ng armas. Naipakilala nila ang bakal sa sinaunang daigdig ngunit pinanatili nilang lihim ang pagmimina at pagpapanday nito.
- Pagkakaroon ng titulo ng lupa at mga talaan nito.
- Pagkilala sa paggamit ng iba't ibang wika.
Unang nanirahan ang mga Assyrian sa tabi ng Ilog Tigris sa bandang hilagang kanluran ng Babylonia. Nagtayo sila ng lungsod-estado na pinangalanang Assur, Nagmula ang Assur sa pangalan ng kanilang pangunahing diyos.
Ambag ng Kabihasnan sa Daigdig
- Sila ang kauna-unahang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sestema ng pamumuno ng emperyo.
- Epektibong serbisyo postal.
- Maayos at magandang kalsada.
- Sila ang nagtayo ng kauna-unahang aklatan na may 200,000 tabletang luwad.
Unang nabuo ang Hebreo sa lupain ng Canaan, ang sinasabing "lupang pangako." Sa paglipas ng panahon, ito ang tinawag na Palestine at sa kasalukuyan, kilala ito bilang Israel at Jordan.
Ambag sa Kabihasnan ng Daigdig
- Ang Bibliya ang naging pundasyon ng pananampalatayang Judaismo at Kristyanismo.
- Ipinagbabawal ang pagsamba at pag-aalay ng mga sakripisyo sa mga diyos-diyosan na naging batayan ng batas sa kasalukuyan.
- Ang pagsamba sa nag-iisang Diyos o monotheism ay isa ring mahalalang ambag ng mga Hebreo.
Phoenicia ang sinaunang bansa sa hilaga ng Palistine. Binubuo ito ng makitid na istrip sa kahabaan ng baybayin ng Mediterranean at nahihiwalay sa ibang bahagi ng Asia sa pamamagitan ng kabundukan ng Lebanon. Pinanirahan na ang lupaing ito bago pa man ang 3000 BCE.
Ambag sa Kabihasnan ng Daigdig
- Mahalagang kontribusyon ng mga Phoenician ang alpabeto. Nilinang ito ng mga Griyego at dinagdagan ng pagbabago ng mga Etruscan at Romano.
- Sila ang nagsimulang gumawa ng mga naglalakihang sasakyang pandagat na kilala sa tawag na barko.
Isang uri ng mga taong Indo-Europeo and mga Persiano at Medes. Nagmula sila sa mga pastulan ng kabundukan ng Caucasus sa pagitan ng Black at Caspian Sea. Nandayuhan ang mga Persiano at Medes sa Timog Silangan patungo sa talampas ng Iran, sa silangan ng ilog Tigris. Naging katapusan ng imperyo ng Assyria ang pagkakaisa ng Medes at Persia. Pagbagsak ng Assyria noong 612BCE, napailalim sa mga Medes at Persiano and kabuuan ng Iran at ang ibang bahagi ng hilagang lambak ng Tigris-Euphrates.
Ambag sa Kabihasnan ng Daigdig
- Isang pinakamalagang ambag ng mga persiano ang relihiyonng Zoroastrianismo kung saan nabigyang diin ang konsepto ng pagpili ng tao sa landas na tatahakin- kasamaan ba o kabutihan. Dito rin nalinang ang kaisipan tungkol sa buhay na walang hanggan matapos ang buhay rito sa lupa at ang pagbibigay ng gantimpala sa mag gumagawa ng kabutihan at kaparusahan sa gumagawa ng masama.
- Sa pamumuno ng Persiano, nabidyang-diin ang karapatan ng tao, maging ng mga lupang sinakop.
- Ang pagkakaroon ng mga satrap ng Persia ang naglinang sa konsepto ng sentralisadong pamahalaan.
Mga inapo ng mga dating Babylonian ang mga Chaldean. Isa sila sa mga sandatahang lakas na nagpabagsak ng mga Assyrian. malaking bahagi ng Fertile Crescent ang inangkin nila mula sa mga Assyrian. Muli nila itinayo ang lumang siyudad ng mga Babylonian at muling ginawang kabisera ang Babylonia.
Ambag sa Kabihasnan sa Daigdig
- Ang hanging Gardens ng Babylon and isa sa pinakahanga-hangang bagay sa sinaunang panahon.
- Sa mga Chaldean nalinang ang konsepto ng Zodiac Sign at Horoscope.
We prepare Speech and Messages; please click the link below,
COMMENTS